Iriga: Coastal Clean-Up Drive, isinagawa ng Catanduanes PNP katuwang ang mga Tourist Guide at Kabataan ng Brgy. Guinsaanan sa Baras, Catanduanes

0
5
photo courtesy of PCADG Bicol Region

Baras, Catanduanes – Isinagawa ng Catanduanes PNP ang isang matagumpay na Coastal Clean-Up Drive sa Barangay Guinsaanan, Baras, Catanduanes. Sa pangunguna ni Pat Mikko B. Santos, Asst. MCAD PNCO at Patrolwoman Engeline V. Arco, Asst. MCAD PNCO ng Baras MPS, katuwang ang mga Barangay Opisyal sa pamumuno ni Hon. Joel T. Alcantara, Punong Barangay.

Kasama rin sa paglilinis ang LGBTQ community sa pamumuno ni Paulo Vergara, Association of Tourist Guides of Guinsaanan, KKDAT, at mga residente ng nasabing lugar.

Ang pangunahing layunin ng Coastal Clean-Up Drive ay mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng Binurong Point, isa sa mga pinakapinupuntahang “tourist spot” sa probinsya ng Catanduanes. Ang aktibidad na ito ay hindi lamang nakatuon sa kalinisan kundi pati na rin sa paghimok sa mga kabataan at mamamayan na maging aktibong kalahok sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang matagumpay na aktibidad ay bunga ng malawakang pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor sa komunidad. Ang mga Barangay Opisyal, LGBTQ community, mga turistang gabay, at mga residente ay nagsanib-puwersa upang tiyakin ang kalinisan ng kanilang lugar. Ang kooperasyon at bayanihan ng mga mamamayan ay nagpatunay ng kanilang pagmamahal at malasakit sa kanilang komunidad.

(Source: Baras MPS | Catanduanes PPO | PCADG Bicol Region)

Leave a Reply