35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Tatlo Sugatan Matapos Umiwas Sa Checkpoint Ang Isang Pick-Up Na Bumangga Sa Nakaparadang Truck

- Advertisement -

Davao City – Sugatan ang tatlo ka tao na sakay sa isang pick-up matapos bumangga sa naka-parada’ng truck dahil sa pag-iwas sa checkpoint ng Task Force (TF) Davao sa Barangay Licanan, Lasang dito sa lungsod ng dabaw.

Ayon kay Police Corporal Jay Gokotano, Traffic Investigator ng Bunawan Police Station na nakilala ang driver ng pick-up na si Marlon Longcob, 30, anyos at taga Matina Aplaya, Davao City.

Base inisyal nga report na natataranta umano si Longob kung ano ang gagawin nang panahong iyon kung saan gusto sana nito’ng mag-aplay ng brake ngunit ina-apakan naman ng kasama nito ang accelerator na naging sanhi ng pagkabangga nito sa naka-park na truck.

Sa nasabing pangyayari nagtamo ng severe injuries ang kasama nito na kaagad nama’ng dinala sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) samantalang nagtamo naman ng minor injuries ang isang personahe ng TF Davao. Napag-alaman din na naka-temporary park ang nasabing truck sa gilid ng daan dahil nasiraan ito.

Dali-dali namang sinuri ng mga otoridad ang loob ng pick-up ngunit wala namang nakitang kontrabando na posibleng dahilan sa pag-iwas ng pick-up sa inspeksyon. Nahaharap ngayon sa kaso’ng may kinalaman sa disobedience to an agent of a person in authority ang driver ng pick-up.

(Source: Bunawan Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -