29.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Tatlo kumpirmadong nasawi sa landslide sa lalawigan ng Albay

- Advertisement -

Patay ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa Legazpi City, Albay.

Kinilala ang mga biktima na sina Mauro Alegre, 26 taong gulang, asawang si Mia Loreto at tatlong taong gulang nilang anak na si Marco.

Kabilang ang mga ito sa 13 miyembro ng isang pamilyang nakatira sa natabunang bahay habang nakaligtas naman ang sampu nilang kaanak.

Batay sa ulat nangyari ang landslide dakong alas dos ng madaling araw kanina sa bahagi ng barangay san francisco.

Ayon sa Legazpi City Police, posibleng lumabot ang lupa bunsod ng patuloy na pag-ulang dala ng Bagyong Usman na ngayo’y isa nang low pressure area.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -