Task force binuo ng Pasay Police matapos ang sunod-sunod na pagkawala ng mga kabataan sa lugar

0
19

Bumuo na ng task force ang Pasay Police upang imbestigahan ang misteryosong pagkawala ng 9 na kabataan sa syudad.

Ang hakbang ay bilang pagsunod sa direktiba ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano matapos matanggap ang ulat hinggil sa pagkawala ng mga kabataang may edad 15 hanggang 23 taong gulang.

Umapela sa publiko si Rubiano na maging mapagmasid at i-report ang mga kahina  hinalang aktibidad sa kapaligiran.

Hinikayat rin ng alkalde ang mga paralan sa Pasay na maging maingat sa pagsasagawa ng outdoor activities para sa mga estudyante.

Ipinag utos na rin ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa mga kabataan sa lunsod.