Target Ng ‘Buy-Bust’ Sa Albay, Patay Sa Engkwentro

0
12

Iriga City – Nauwi sa palitan ng putok ang isinagawang anti-drug buy bust operation sa Brgy. Kinale, Polangui, Albay.

Target sa operasyon si Jay General Mella, 37-anyos na residente ng Brgy. Basud sa naturang bayan.

Ayon sa impormasyon nanakalap ng Radyo Ronda, dati nang naaresto ang suspek sa buy-bust operation na isinagawa noong Setyembre 3 taong 2015.

Pinagbilhan ni Mella ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu ang operatiba na nagpakilalang buyer kapalit ng buy-bust money.

Subalit ng aarestuhin na ito ng operating units, nakatunog ang suspek at nagpaputok ng caliber .38 revolver na dala nito kaya agad na gumanti ng putok ang kapulisan.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na agad dinala sa Rural Health Unit ng Polangui subalit hindi na nailigtas pa.

Sa isinagawa namang body search ay narekober pa ang 10 sachets ng pinaniniwalaang shabu, P200 na cash sa bulsa ng suot nitong shorts at mahigit P1000 na cash.

Samantala, narekober naman ng SOCO team ang limang bala at isang basyo.
(OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: Police Regional Office 5/PRO5 RPIO)

Leave a Reply