Tarangkahan ng Baguio Athletic Bowl inayos na at mga manglalaro ng sport binigyan ng pundo

0
14
photo courtesy of PIO-Baguio

Baguio City – Pinamunuan ni City Administrator Engr. Bonifacio Dela Pena, kasama niya ang mga konsehal na sila Poppo Cosalan at Jose Molintas, City Buildings and Architecture Officer Arch. Johnny Degay, Sports Development Officer Gaudencio Gonzales, Assistant City Administrator VJ Cawis at ang mga tauhan ng pamahalaang Lungsod sa pagsasagawa ng ribbon cutting ceremony sa harapan ng Baguio Athletic Bowl at Gate nito noong Octobre 4, 2024.

Ang tarangahan o gate ay inilipat sa kaliwa paharap sa pasilidad kasabay sa axis o busulan ng oval.

Ang desinyo ay kinuha mula sa kilalang kilala ng Olympic torch na sumisimbolo sa naglagablab na espiritu ng lokal na mga athlete ng lungsod ng Baguio na kilala sa paggawa ng world-class athletes.

May Solar panels din ang inilagay sa taluktok ng tarangakahan upang magbigay ilaw sa pasilidad.

Ang pagsasaayos ay nagsimula noong Abril a 14, 2023 noong nakaraang taon at nakumpleto ito noong nakaraang hunyo a 24 ng taong ito.

Ang Baguio Athletic Bowl ay may mahalagang papel sa larangan ng palakasan sa mga manlalaro. Ito ay nagsisilbi rin bilang pangunahing lugar ng pagsasanay, lugar din ito para sa iba’t ibang laro mapalokal man, rehional at national at angkop na lugar para sa mga aktibidad sa paglilibang. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO-Baguio)

Leave a Reply