Saturday, May 4, 2024

Tanggapan ng DOF, BSP at GSIS sarado muna dahil sa banta ng COVID-19

- Advertisement -

Sarado muna simula ngayong araw na ito, Huwebes, ika-12 ng Marso, ang mga gusali ng Department of Finance (DOF), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)at ang Government Service Insurance System (GSIS).

Ito ay para makapagsagawa ng disinfection at paglilinis sa mga nasabing gusali.

Sinabi ni DOF secretary Carlos Dominguez na nakasailalim sa self-quarantine, na total disinfection ang gagawin sa DOF building sa Maynila.

Inatasan din ni Dominguez ang lahat ng DOF-attached agencies tulad ng Bureau of Customs (BOC), Bureau of Iinternal Revenue (BIR) at Bureau of Treasury na magsagawa ng disinfection sa kanilang pasilidad ngayong weekend.

Samantala, ang pasilidad naman ng BSP ay sasailalim din sa lockdown para makapagsagawa ng disinfection gayundin ang GSIS sa Pasay City kaya’t isasara muna ito.

Ayon sa abiso ng GSIS, lahat ng kanilang miyembro, pensioners at iba pang kliyente ay maaaring gumamit ng online channels at platforms para sa records verification, inquiries at iba pang transaksyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img