Tanggapan ng BI sa Makati sarado sa Lunes

0
7

Sarado ang tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Makati sa Lunes, Agosto 10.

Ito’y ayon sa BI ay upang bigyang daan ang isasagawang disinfection at sanitation sa nabanggit na opisina.

Inaasahan namang balik sa normal ang operasyon ng BI Makati sa Martes, Agosto 11.

Pinapayuhan naman ng BI ang mga may katanungan na tumawag muna sa kanilang mga hotline numbers, magpadala ng email o sa kanilang mga official social media sites.