Saturday, May 18, 2024

Tandang Sora flyover isinara na

- Advertisement -

Tuluyan nang isinara Ang Tandang Sora interchange at flyover sa Quezon City, simula alas onse kagabi.

Hinarangan na ito ng mga otoridad gamit ang mga concrete at plastic barriers habang may inilagay ding signages sa magkabilang lane bilang paalala sa pagsasara ng nasabing tulay gayundin ng direksyon sa dalawang itinakdang U-turn slots.

Ang Tandang Sora flyover ay nakatakdang gibain para mabigyang daan ang konstruksiyon ng MRT 7.

Inaasahan namang magdudulot ito ng matinding trapik lalo’t tinatayang nasa 100,000 motorista ang apektado ng pagsasara ng nasabing flyover.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -