Tuesday, May 14, 2024

Taguig, Makati makararanas ng water service interruption

- Advertisement -

Makararanas ng magdamagang water service interruption ang ilang bahagi ng Taguig at Makati City.

Ayon sa Manila Water, mayroong isasagawang valve installation sa Taguig mula alas-10 mamayang gabi hanggang alas-4 ng madaling araw bukas, Enero 30, kaya’t mawawalan ng suplay ng tubig sa Barangay South Signal.

Sa Makati City naman, alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga bukas mawawalan ng suplay ng tubig sa Barangay Carmona dahil sa pipe maintenance activity ng Manila Water.

Pinayuhan ng Manila Water ang mga apektadong residente na mag-ipon ng sapat na tubig na kanilang kakailanganin sa oras ng interruption.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -