Tag-ulan posibleng pumasok sa katapusan ng Mayo

0
51

Posibleng sa katapusan pa ng Mayo o unang linggo ng Hunyo maideklara ang pormal na pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Sinabi ng PAGASA na hindi pa sapat ang naitatalang dami ng pag-ulan para maideklara ang rainy season.

Sa ngayon ay umiiral ang southwesterly surface windflow na nakaka apekto sa western sections ng Luzon at Visayas.

Dahil dito ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rainshowers dahil sa localized thunderstorms.

Magiging mainit pa rin ang temperatura sa malaking bahagi ng bansa.