Taas singil sa toll ng NLEX kasado na

0
47

Nakatakda nang ipatupad ng Manila North Tollways Corporation ang umento sa singil sa toll sa NLEX o North Luzon Expressway.

Ito’y ayon kay TRB Spokesman Alberto Suansing, makaraang aprubahan ng TRB o Toll Regulatory Board ang inihaing petisyon ng MNTC na magtaas sa kanilang sinisingil sa toll sa nasabing kalsada.

Epektibo sa Marso 20, magiging P55 na ang magiging toll para sa open system ng NLEX mula sa dating P45 para sa Class 1 vehicles o maliliit na sasakyan tulad ng kotse.

P137 naman ang toll para sa Class 2 vehicles o mga van mini bus at iba pang may kalakihang sasakyan mula sa dating P115.

Habang nasa P165 na para sa Class 3 vehicles o iyong malalaking sasakyan tulad ng mga bus at trak mula sa dating P136.