Saturday, May 4, 2024

Susunod na PCSO Chief di na dapat galing sa militar—Sandra Cam

- Advertisement -

Panahon na umano upang matigil na ang militarisasyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Ito ang inihayag ni PCSO Board Member Sandra Cam matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang general manager na si Alexander Balutan.

Mula aniya nang umupo si Balutan ay lalong bumagsak ang kita ng PCSO dahil hindi nito masingil ang kanyang mga mistah na binigyan niya ng prangkisa ng small town lottery (STL).

Umaasa si Cam na hindi na isang militar o dating sundalo na tulad ni Balutan ang papalit dito bilang general manager.

Setyembre noong 2016 nang italaga ni Pangulong Duterte bilang general manager ng PCSO si Balutan na isang dating marine general at miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1983.

—-
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img