Suspendidong Daraga Albay mayor Carlwyn Baldo ipinaaaresto ng korte

0
50

Ipina-aaresto ng Legaspi Regional Trial Court si Daraga Albay Mayor Carlwyn Baldo dahil sa dalawang kaso ng pagpatay.

May kaugnayan ito sa pagpatay  kay dating Ako Bicol partylist representative Rodel Batocabe at sa kanyang police escort noong Disyembre nang nakaraang taon.

Inaresto na rin nitong Enero si Mayor Baldo dahil sa pagmamay-ari ng hindi rehistradong mga baril subalit nakalaya matapos magpiyansa ng P3-M.

Una nang itinanggi ni Baldo ang anumang kaugnayan sa pagpatay kay Batocabe at sa kanyang escort.

with report: Jaymark Dagala (Patrol 9)