Friday, May 17, 2024

Suspek sa Silawan murder kinasuhan na

- Advertisement -

Kinasuhan na ng pamilya ni Christine Lee Silawan at National Bureau of Investigation o NBI ang 17-anyos na binatilyo na umano’y pangunahing suspek sa pagpatay sa dalagita.

Ang mga kasong murder at paglabag sa cybercrime law ay isinampa laban sa suspek sa Lapu-Lapu City Prosecutors’ Office.

Ayon sa parallel investigation ng NBI-7, ang 17-taong gulang na suspek ay kinilala ng mga testigo na huling kasama ni Silawan habang naglalakad patungo sa bakanteng lote kung saan natagpuan ang labi ng dalagita na tadtad ng saksak, walang saplot pang ibaba at binalatan ang mukha.

Nadiskubre rin ng NBI na bago ang insidente ay may kapalitan ng chat sa Facebook si Silawan kung saan nag-usap ang dalawa na magkikita sa simbahan malapit sa Barangay Pajac.

Ipinabatid ng mga awtoridad na ang nasabing binatilyo lamang ang tanging kinatagpo ng biktima.

Makikita naman sa CCTV footage na ang naturang binatilyo nga ang kasama ni Silwan bandang alas-6:00 ng gabi kung saan nag-aaway ang mga ito habang naglalakad.

Sinabi ng NBI na posibleng selos ang motibo sa krimen na ginawa ng binatilyo kasama ang iba pa na tinutugis na ng mga awtoridad.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -