2 college students timbog sa pagdadala ng mahigit P1-M party drugs

0
57

Timbog ang dalawang college students matapos makunan ng 1.5 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu at party drugs sa Makati City.

Ayon sa Makati City Police, nagpasaklolo at itinurn-over ng Grab express driver na si Claus Sabadera ang pitong tableta ng ecstasy.

Sinabi ni Sabadera na pinapi-pick-up ni Adriel Ryoichi Temporosa Suzuki, estudyante ng De La Salle – College of St. Benilde sa kaniya ang ecstasy tablets sa harap ng Cityland 9 Dela Rosa Condominium at pinadadala sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Sa isinagawang follow up operations, naaresto si Suzuki at narekober dito ang ilan pang shabu at party drugs.

Habang isinasagawa naman ang inventory, isang text message ang ipinadala ng isa sa mga umano’y supplier ng suspek ng panibagong delivery ng illegal drugs sa loob ng kaniyang condo unit.

Dito na naaresto si Jeffrey Esteban, 23-anyos na estudyante rin ng DLSU.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

—-