Saturday, May 18, 2024

Kopya ng 2019 budget na isinumite sa Palasyo babawiin ng Kamara

- Advertisement -

Kumpirmado ang gagawing pagbawi ng Kamara sa advance copy nang inaprubahang panukalang 2019 national budget na isinumite sa Malacañang.

Gayunman, nilinaw ni San Juan Congressman Ronaldo Zamora na ang pagbawi ay hindi nangangahulugang yumuko sila sa kagustuhan ng Senado dahil kukunin lamang nila ang kanilang ibinigay.

Isa aniya itong pagpapakita ng good faith sa Senado para maipagpatuloy ang talakayan sa inaprubahang budget.

Sinabi ni Zamora na hindi pa naman matatawag na enrolled bill ang kopyang nasa Malacañang dahil wala pa itong lagda ng Senate President.

Naninindigan naman si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na walang iligal sa budget na ipinasa ng Kamara dahil bago pa siya naging pinuno ng Mababang Kapulungan, parehong proseso na ang sinunod sang-ayon sa naging pasya ng Korte Suprema hinggil sa padedeklara sa lump sums budgeting na labag sa batas.


Kailangang idaan sa plenary session ang anumang hakbanging mabawi ang naipasang panukalang 2019 national budget.

Iginiit ito ni House Appropriations Committee Chair Rolando Andaya dahil boto ng mayorya ng mga kongresista ang kailangan para bawiin ang kopya nang naipasang budget.

Bilang pinuno ng Appropriations Committee, sinabi ni Andaya na kailangan siyang paliwanagan sa hakbang hinggil sa budget dahil trabaho niyang pangunahan ang pagbusisi sa pagpasa sa panukalang pondo.

Wala aniyang kapangyarihan ni isa mang kongresista na bawiin ang anumang panukala na inparubahan ng kamara na naipasa na sa Senado kahit siya na pinuno ng Appropriations Committee.

Ang pahayag ni Andaya ay kasunod nang pagkumpirma ni San Juan Congressman Ronaldo Zamora na babawiin ng Kamara ang kopya nang inaprubahang 2019 budget na ipinasa nito sa Senado.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -