Suspek sa pagpatay sa isang kagawad sa Antique arestado sa Makati City

0
58

Arestado ng pinagsanib na puwersa ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group at ng Antique Police ang suspek sa pagpatay sa isang barangay Kagawad sa bayan ng Libertad, Lalawigan ng Antique

Kinilala ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group ang suspek na si June Alexander na naaresto sa kalye Dagupan, Guadalupe sa Makati City kahapon

Nabatid na nitong Abril 2019 pa naglabas ang Pandan Municipal Trial Court sa Antique ng Warrant of Arrest laban sa suspek subalit nagtago ito paluwas ng Makati

Makaraang matunton ng CIDG ang suspek, agad nilang sinalakay ang kinaroroonan nito kug saan, nakuha mula rito ang isang kalibre 45 baril, dalawang magazine at 25 bala

Maliban sa pagkakasangkot sa pagpatay kay Kagawad Federico Alcoran nuong 2007, sinasabing kabilang din si Alexander sa Most Wanted Person sa kanilang lalawigan