Suspek sa hostage taking sa Baguio city, nasampahan na ng kaso

0
0

Baguio City – Sinampahan ng kaso sa paglabag sa Republic Act 7610 o ang Serious Illegal Detention at paglabag ng Republic Act10591 o ang Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang isang 40-anyos na lalaki na suspek sa isang di umanong hostage taking sa Sunflower Street, Quezon Hill Proper, Baguio City noong Sabado Nobyembre 26.

Ayon kay Police Maj. Dencio Dayao, ang namumuno ng BCPO Police sub-station 1, na kustidiya na nila ang nasabing suspek.

Nasa mabuti naman na kalagayan ang mga biktima matapos na suma ilalim ito ng pagsusuring medical.

Matatandaan na noong Nobyembre 26 ay hiniling ng suspek ang pag uwi ng live in partner nito sa tirahan nila matapos na diumano ay nakisama ito sa ibang lalaki. Dahil sa sakit ng loob dahil sa hinala nito ay naging sanhi ng suspek na gawing hostage ang kapatid at pamangkin ng live in partner nito ngunit walang masamang nangyari.

Sa kasalukuyan hindi pa nagpapakita ang live in partner ng suspek. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio PNP)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here