Saturday, May 4, 2024

Suspek sa hit and run incident sa Pasig City sumuko na

- Advertisement -

Sumuko na sa pulisya ang driver ng kotseng sangkot sa hit and run incident na ikinasawi ng isang babae at ikinasugat ng kanyang kinakasama sa Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Adrian Russel King Carlos, 29 anyos.

Batay sa ulat, kusang nagtungo si Carlos sa Pasig City Police Headquarters para sumuko matapos umanong mabangga ang maglive in partner na sina Rossana Ugto at Mark Joseph Belen habang binabaybay ang Marcos Highway sakay ng motorsiklo.

Ayon kay Carlos, pinag-isipan niya pang mabuti kung siya nga ang suspek sa nag-viral na video ng hit and run incident.

Aniya, hindi niya alam na kanyang tinamaan ang maglive in partner.

Iginiit din nitong hindi siya lasing o lango sa iligal na droga nang gabing mangyari ang insidente.

Kasabay nito, humingi ng tawad si Carlos sa mga biktima at nangakong sasagutin niya ang gastos sa ospital at pagpapalibing kay Ugto.

Samantala, sinabi ni Pasig City Police Chief Rizalito Gapas na kanilang isasailalim sa inquest proceedings si Carlos para masampahan ng patung-patong na kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img