Radio Philippines Network
DXDX GenSan News Provincial News

Suspek Na Nang Agaw Ng Motor Patay Sa Hot Pursuit Operation

Patay sa ginawang hot pursuit operation ang isang suspek na nang agaw ng pampasaherong motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Digos makar road corner lucio velayo road, barangay lagao nitong lungsod. Ayon sa mga rumespondeng kapulisan ng lagao police station naka tanggap diumano sila ng reklamo sa ma ari ng motor na si Eduardo Tublado Jr. at ayon sa kanyang reklamo ay pwersahang inagaw ang knayang menamanehong motor.

Matapos ang nasabing insedente nasukol ang suspek sa mismomg harapan ng gasolinahan  na kung saan doon nangyari ang pag neutralize sa hindi pa nakikilalang suspek. Nagtangka diumanong manlaban ang suspek dahil nasugatan sa kanyang paglapit ang pulis na si PS SGT. BOBIS na nagtamo ng minor hack wound sa kanyang kamay.

Narekober na ang inagaw na motorsiklong pampasahero habang nasa kustudiya naman ng kapulisan ang ginamit na itak ng suspek na patuloy pang inaalam ang pagka ka kilanlan. Nanawagan naman ang kapulisan sa lahat ng mga may alam sa mga pangyayari na kung maari ay magbigay aam sa mga otoridad.

Related posts

Water Parks, Beach Resorts Shut Down In Bacolod City

RPN

Bislig City Employees Under Interim Alternative Work Arrangement (AWA)

RPN

Tag-Ija Nan Mario’s Resto Bar May Reaksion Sa Hinanali Na Pagpahunong Sa Ila Operasyon

RPN