32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Surigao del Norte at Ilocos Norte niyanig ng lindol

- Advertisement -

Niyanig ng magkasunod na lindol ang Surigao del Norte at Ilocos Norte ngayong umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, unang niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Surigao del Norte kaninang alas-4:44 ng madaling araw.

Naitala ang sentro nito sa 38 kilometro hilagang silangan ng Burgos.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 13 kilometro.

Samantala, pasado alas-5:00 naman ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Ilocos Norte.

Natukoy ang sentro nito sa layong 41 kilometro hilagang kanluran ng Pagudpud at may lalim na limang kilometro.

Wala namang napaulat na napinsala sa naturang pagyanig.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -