Supporters ni Velasco ‘dapat magbitiw sa pwesto sa kamara’ —Rep. Castro

0
41

Hinamon ni Capiz Representative Fredenil Castro ang mga tagasuporta ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco na magbitiw na ang mga ito sa hinahawakang posisyon sa kamara.

Ani Castro, dapat gawin na rin mga ito ang mga patutsada nila kay House Speaker Alan Peter Cayetano hinggil sa isyu ng ‘palabra de honor’ at magkusa ani Castro ang mga ito na umalis na lang sa kanilang pwesto sa kamara at sa halip at ipasa na lamang sa mga mas karapat dapat na miyembro na tiyak na makatutulong sa liderato ng kamara.

Mababatid na kabilang sa mga tagasuporta at kaalyado ni Velasco ay si House Economics Affairs Chair Sharon Garin na isa kumukontra sa kampo ng kasalukuyang nakaupong House Speaker.