Supply ng bigas bumababa na – ayon sa mga rice trader

0
44

Nangangamba na ang rice trader sa patuloy na pagnipis ng supply ng bigas na maaaring magresulta sa pagtaas ng presyo nito.

Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura Chairman Rosendo So, hindi pa matiyak ng kanilang mga kapwa rice trade kung saan kukuha ng supply.

Bagama’t may posibilidad aniyang mayroong hoarding, maaaring hindi pa dumarating ang mga inorder na imported na bigas.

Kinumpirma naman ni Agriculture Secretary Manny Piñol na mayroong kakulangan sa rice supply matapos madelay ang delivery ng mga bigas inorder ng National Food Authority.

Sa kabila nito, tiniyak ni Piñol na darating na sa Septyembre ang mga imported na bigas.