Suplay ng bigas sa bansa sapat — NFA

0
13

Sapat ang supply ng bigas ng bansa sa gitna na rin ng isang buwang lockdown sa Luzon dahil sa COVID-19.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal mayroon pang mahigit 9-M bag ng bigas ang naka-imbak sa mga bodega ng NFA sa buong bansa.

Noong isang taon pa aniya punong-puno ang supply ng bigas sa bansa kahit pa nangyari ang pagsabog ng Bulkang Taal.

Ipinabatid pa ni Dansal na mayroon pang unmilled rice na naka-standby ang bansa sakaling kailangan pa ng bansa ng supply.

Inihayag ni Dansal na hindi naman dapat mag-hoard ng bigas ang local government units para sa kanilang constituents kung walang sapat na imbakan ang mga ito.