31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Sulfur dioxide emission ng Taal bumaba, low freqency earthquakes patuloy —PHIVOLCS

- Advertisement -

Mahihinang volcanic earthquakes na lamang ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa paligid ng Taal Volcano.

Ito ay batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng PHIVOLCS kung saan nakapagtala na ng kabuuang 725 pagyanig simula noong pumutok ang Bulkang Taal noong nakaraang Linggo, Enero 12.

Kaugnay nito, nakasukat naman ng 481 volcanic earthquakes ang Taal Volcano network na kinabibilangan ng walong (8) low-frequency earthquakes sa nakalipas na 24-oras.

Ayon kay Mariton Bornas, PHIVOLCS Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Head, bumaba rin ang sulfur dioxide na inilalabas ng bulkan kung saan nasa 153tons na lamang kada araw mula sa average na 344tons kada araw.

Sinabi rin ni Bornas na batay sa aerial survey, namataan na mayroon pa ring lava flow sa loob ng bulkan.

Bagamat bahagyang kumalma at humina mga pagyanig sa Taal Volcano, binigyang-diin ni Bornas na hindi ito nangangahulagan na hindi na puputok pa ang bulkan, bagkus ay posible itong indikasyon na nakadaloy na at nakasampa na ang magma.

Sa ngayon, mahigpit pa rin ang paalala ng PHIVOLCS sa publiko na hindi pa rin nila inirerekumendang bumalik ang mga residente sa loob ng 14-kilometer danger zone.

Ang mga earthquakes na ‘to ay –unti-unti na silang nagdiminish, pati ‘yung mga low-frequency eartquakes, pero hindi ibig sabihin ay kampante na tayo, ‘yun kasi ang pinoproblema ng assessment natin sa magma ngayon, kasi, ibig sabihin ay nakadaan na, sumampa na, so, ano na ang gagawin ng nakasampa na magma,” ani Bornas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -