32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Subsidiya sa pagbabayad ng kuryente inihirit ng grupong BAYAN

- Advertisement -

Inihirit ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa Energy Regulatory Commission (ERC) na magpatupad ng social amelioration program para sa mga electric consumers ng Manila Electric Company (Meralco).

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, ito’y dahil sa marami sa mga Pilipino lalo na sa mga sineserbisyuhan ng Meralco ay nawalan ng pagkakakitaan dahil sa dalawang buwang lockdwon dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Nakasaad sa inihain nilang panukala ani Reyes na dapat i-waive ng Meralco ang electricity bill ng households na may buwanang konsumo na 200 kilowatt hour pababa.

Kahit ipinag-utos ng ERC ang staggered payment o utay-utay na pagbabayad ng monthly bill mula Marso hanggang Abril, mahirap pa rin ito lalo na sa mga no work no pay na manggagawa na hindi naman nakapasok.

Pero ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, isa lamang ang meralco sa napakaraming electric distributor sa bansa na dapat ding ikonsidera sa energy supply chain kaya’t dapat isaalang-alang sa pagpapasya ang ganitong kahilingan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -