Star City susubukang magkaroon ng partial opening sa December

0
27

Susubukang buksan muli sa publiko ang Star City sa darating na Disyembre.

Ito ay matapos masunog ang ilang bahagi ng amusement park at maging ang tanggapan ng Manila Broadcasting Company (MBC) sa Pasay City.

Ayon kay Atty. Rudolph Jularbal na tagapagsalita ng Elizalde Group of Companies, inaantabayanan nalang nila kung aaprubahan ng Bureau of Fire Protection at Safety Standard ang muling pagbubukas sa Disyembre.

Aniya, hindi naman sila magbubukas kung hindi ligtas sa publiko ang mga rides.

Subject to approval ng BFP at ‘yung Safety Standards, we eill try to have a partial opening this December season, kasi ayaw naman naming magbukas kung hindi safe ang ride at ang lugar,” ani Jularbal.

Samantala, balik-operasyon naman ngayong araw ang mga istasyon sa MBC na nakabase sa Star City Compound na naapektuhan rin sa naturang sunog.

’Yung sa MBC naman, mga istasyon kasi namin na naka-base doon sa Sat City compound, aside from DZRH was our Love Radio, Yes The Best FM, Easy Rock, atyaka Radyo Natin, all of them are now on normal broadcast,” ani Jularbal. — sa panayam ng Ratsada Balita