28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Stamps at souvenir sheets para sa Chinese New Year inilabas ng Phlpost

- Advertisement -

Nagpalabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPOST) ng mga bagong disenyo ng stamps at souvenir sheets para sa year of the rat.

Ito anila ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Makikita sa disenyo ng stamps at souvenir sheets ang drawing o guhit ng isang cute na puting daga sa kulay dilaw o peach na background.

Gayundin, nagpalabas din ang Phlpost ng kanilang official first day cover kung saan makikita ang pula at gintong kulay na disenyo bilang pagkilala naman sa unang animal sign sa chinese zodiac.

Mabibili ang 2 disenyo ng year of the rat stamps sa halagang 40 pesos at 12 pesos habang 200 pesos naman ang isang souvenir sheet.

Lahat ng mga nabanggit na disenyo ay lika ng graphic artist na si Rodine Teodoro.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -