Stabbing incident sa Japan kinondena ni Pangulong Duterte

0
75

Mariing kinondena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyaring mass stabbing sa Kawasaki, Japan na ikinamatay ng tatlo katao kabilang ang lalaking suspek at ikinasugat naman ng 17 iba pa.

Ayon sa pangulo, ikinagulat niya ang pangyayari at nakikiramay siya mga naulilang pamilya ng mga biktima.

Inihayag din ng punong ehekutibo ang pagkagalit sa brutal na pagpatay sa mga inosenteng bata.

Isang lalaki ang nanaksak sa isang himpilan ng school bus sa syudad ng Kawasaki at sinaksak din ng suspek ang kaniyang sarili matapos makapatay ng dalawa katao.

—–