St. Luke’s hindi na tatanggap ng mga walk-in COVID-19 tests

0
12

Hindi na tatanggap simula bukas July 29 ng walk in asymptomatic patients na nais magpa swab test ang St. Luke’s Medical Center.

Ito ayon sa pamunuan ng St. Luke’s ay para matiyak ang maayos na daloy ng mga pasyente sa ospital at para na rin sa kaligtasan ng kanilang healthcare workers.

Para magpa book ng slot sa swab test maaaring makipag-ugnayan sa public information center ng ospital sa 09985822276 sa St. Luke’s Global City at 09479943550 para St. Luke’s Quezon City.