SSS pensioners matatanggap ang kanilang 13th month pension ngayong araw

0
50

Matatanggap na ng mga pensyonado ng Social Security System (SSS) ang kanilang 13th month pension simula ngayong araw.

Ayon sa SSS, maaaring kunin ng mga pensyonado ang kanilang 13th month pension sa kanilang mga bangko mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 7.

Bukod dito, maaari na ring kunin ng mga pensiyonado ang kanilang regular na penisyo para sa buwan ng Disyembre.

Una nang sinabi ni SSS president and chief executive officer Emmanuel Dooc na nakapagpalabas na sila ng aabot sa P22 billion pondo para sa 13th month at December regular pensions.