SRP sa mga Noche Buena products inilabas na ng DTI

0
102

Inilabas na ng DTI o Department of Trade and Industry ang SRP o Suggested Retail Price para sa Noche Buena products.

Pasok sa inilabas na listahan ng DTI ang spaghetti, tomato sauce, elbow at salad macaroni gayundin ng hamon at sandwich spread.

Ayon sa DTI, ipapaskil sa mga pamilihan ang listahan ng SRP sa mga nabanggit na produkto upang maging gabay ng mga mamimili ngayong kapaskuhan.

Samantala, nilinaw ng DTI na hindi apektado ng paggalaw sa presyo ng langis at palitan ng piso kontra dolyar ang presyo ng hamon at keso dahil ginawa na ito noon pang buwan ng Pebrero.

Tututukan din ng DTI ang presyo ng manok, bigas at asukal na inaasahan naman nilang bababa sa mga susunod na linggo.