SRP sa bigas sinimulan nang ipatupad

0
53

Sinimulan nang ipatupad ng Department of Agriculture ang suggested retail prices sa bigas sa Metro Manila at greater Manila area o ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, nakapako na lamang sa hindi hihigit sa 39 pesos ang kada kilo ng  imported well-milled rice; hanggang 43 pesos ang kada kilo ang imported premium 1; regular milled rice, 39 pesos; local well milled, 44 pesos; imported premium grade 2,  na 40 pesos  at local premium grade, 47 pesos kada kilo.

Mayroon na ring standardized rice labels at maaari na lamang tawaging  regular-milled, well-milled, premium at special ang mga bigas mula sa mga dating pangalang gaya ng  Sinandomeng at Super Angelica.