SPIA iginiit na matagumpay ang Pilipinas sa pag-host ng 30th SEA Games

0
17

Nagsalita na ang Sports Industry Award Asia (SPIA) hinggil sa iginawad na parangal sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) para sa pangangasiwa sa 30th Southeast Asian Games (SEA).

Sa ipinalabas na pahayag ni SPIA Asia CEO Eric Gottschalk, kanyang iginiit na matagumpay at maayos na nagawa ng Pilipinas ang pag-host sa SEA Games sa kabila ng mga kinaharap na hamon ng mga ito.

Ito aniya ang pangunahing dahilan kaya kanilang iginawad ang excellence award sa PHISGOC.

Binigyang diin pa ni Gottschalk, hindi lamang para sa organizing team ang ibinigay nilang pagkilala ng kundi isang parangal din sa bawat Pilipino.

Muli ring binati ni Gottschalk ang natupad na pangako ng Philippine Sports Commission at PHISGOC noong 2015 at 2018 na magiging isang World Sporting Event ang SEA Games sa bansa.