Special voting center para sa mga katutubo, PWDs at seniors tiniyak

0
57

Tiniyak ng Commission on Elections ang special voting centers para sa mga katutubo, persons with disabilities at mga senior citizens.

Ayon kay COMELEC Director Teopisto Elnas Jr, 31 accessibile voting centers ang ilalagay nila para sa mga katutubo sa Bulacan, Aurora, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan at South Cotabato.

May hiwalay rin anyang emergency polling places para sa PWDs at senior citizens sa ground floor ng mga paaralan.

Magtatalaga lamang anya sila ng support staff na siyang kukuha ng balota ng PWD o senior citizen sa palapag kung saan ang kanyang presinto upang ibaba sa ground floor.

Gayunman, sinabi ni Elnas na dahil ibabalik sa kanyang presinto ang balota ng PWD o senior citizen, hindi na sila ang personal na magsusubo nito sa vote counting machine.