Saturday, May 4, 2024

Special trust fund para sa mga inabandonang bata lusot na sa House panel

- Advertisement -

Lusot na sa House Committee on the Welfare of Children ang panukalang naglalayon na paglaanan ng special trust fund ang bawat bata na inabandona sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Committee on the Welfare of Children Yedda Marie Romualdez, makatatanggap ang isang ulilang bata ng trust fund oras na umalis na sila sa pangangawisa ng DSWD sa edad na 18 taong gulang.

Aniya, tinatayang aabot sa P50,000 ang trust fund na kanilang makukuha upang makapagsimula ang mga ito ng pamumuhay ng sarili.

Samantala, ang naturang pondo ay ipapangalan sa benepisyaryo sa ilalim ng memorandum of agreement (MOA) na pinasok ng DSWD at ng napiling trust entity nito.

Gayunman, maaaring alisin ang naturang benepisyaryo kapag namatay at masangkot sa ilegal na droga o krimen ang isang bata.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img