Special task group sa Cotabato bombing binuo na

0
48

Bumuo na ng isang task group ang Philippine National Police (PNP) upang imbestigahan ang Cotabato bombing noong bisperas ng bagong taon.

Ayon kay Eliseo Rasco, hepe ng PNP-Region 12, ipinag-utos na niya ang pagbuo ng special investigation task group upang tutukan ang nasabing insidente.

Samantala, inamin naman ni PNP-12 spokesman Aldrin Gonzales, na wala pang lead ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng krimen ngunit tiwala sila na ito ay kagagawan ng iisang grupo lamang.

Matatandaang, dalawa ang nasawi habang tatlumpu’t dalawa naman ang sugatan sa pagsabog ng improvised explosive device (IED) sa harap ng isang mall sa Cotabato City noong Disyembre 31.