Special powers kay Duterte para umusad ang “Build Build Build projects” isinusulong sa Kongreso

0
16

Nais ng isang kongresista na mabigyan ng special powers si Pangulong Rodrigo Duterte upang umusad ng mabilis ang “Build Build Build” projects ng pamahalaan.

Ayon kay Cong. Joey Salceda, sa pamamagitan ng special powers, mawawala ang mga hadlang para umusad ng mabilis ang mga proyekto sa ilalim ng “Build Build Build” tulad ng right of way issues.

Kinontra ni Salceda ang pahayag ni Senador Franklin Drilon na isang malaking kabiguan ang “Build Build Build” projects ng pamahalaan.

Gayunman, aminado ang kongresista na medyo mabagal ang pag usad ng mga proyekto.

Kaya naman sa pamamagitan anya ng special powers, mawawala na ang alibi ng administrasyon na maraming hadlang para mapausad nila ng mabilis ang “Build Build Build” projects.