Spanish nat’l na lumabag sa lockdown sa Makati posibleng isalang sa deportation proceedings

0
24

Posibleng isalang sa deportation proceedings ang Spanish national na lumabag sa lockdown at nanlait sa police officer sa Dasmariñas Village, Makati City.

Ayon kay Dana Sandoval, spokesperson ng Bureau of Immigration, posibleng makapaglabas na sila ng detalye ng isinasagawang imbestigasyon anumang araw ngayong linggong ito.

Binigyang diin ni Sandoval na hindi exempted sa batas ang katulad ni Javier Saldoval Parra kahit pa permanent resident sya ng Pilipinas at may asawang Pilipina.