28.7 C
Manila
Monday, April 15, 2024

SP Sotto nilinaw na matagal nang legal sa bansa ang medical marijuana

- Advertisement -

Nilinaw ni Senate President Vicente Sotto III na matagal ng ligal sa bansa ang pag-gamit ng marijuana bilang isang gamot.

Ito ang naging reaksyon ni Sotto kaugnay ng plano ng ilang mambabatas na magsagawa ng pagdinig hinggil sa medical marijuana.

Ayon sa senador, nakasaad sa huling bahagi ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, pinapayagan ng pamahalaan na gumamit ng marijuana ang taong may sakit, basta rekomendado at aprubado ito ng doktor at Food and Drug Administration (FDA).

Batay sa ulat ng FDA, umabot sa 558 ang inaprubahang aplikasyon para sa medical marijuana.

Gayunpaman, nilinaw ni Sotto na mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pagtatanim ng marijuana, at gamitin ito for recreational use.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -