South Korea ang may pinakamataas na tourist arrivals sa bansa noong nakaraang taon

0
22

Nangunguna ang South Korea sa may pinakamataas na tourist arrivals sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Ito ay ayon sa Department of Tourism kung saan naitala ang top 3 markets na kinabibilangan ng South Korea na may 1.62-M, na sinundan ng China na may 1.26-M at USA na may 1.03-M.

Umabot naman sa 7.17 million ang naitalang inbound visitors habang ang inbound revenue ay pumalo sa 441. 4 billion.

Samantala, tumaas naman ang kontribusyon ng turismo sa Gross Domestic Product (GDP).

Umabot ito ng 12. 7% mas mataas sa 14.3 percent noong 2017.