Sotto pinaiimbestigahan ang BuCor sa NBI

0
53

Hinimok ni Senate President Vicente Sotto ang NBI o National Bureau of Investigation na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa Bureau of Corrections.

Kasunod ito ng insidente ng pagpatay sa isang opisyal ng BuCor sa gitna na rin ng usapin sa pagpapalaya ng ilang mga nahatulang drug lords.

Ayon kay Sotto, nagtatrabaho sa document section ng BuCor ang pinatay na si Chief Administrative Officer 3 Ruperto Traya Jr.

Aniya, ang nasabing departamento ang nag-aayos sa release orders ng mga bilanggong kuwalipkado sa good conduct time allowance.

Samantala, sinabi naman ni NBI Director Dante Gierran na kanila nang sinimulan ang imbestigasyon sa insidente at may dalawa hanggang tatlong anggulo na silang tinitignan.