31.3 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Sotto: Cloud seeding solusyon para mawala ang ash fall debris

- Advertisement -

Nais ni Senate President Vicente Sotto III na magsagawa ng cloud seeding sa mga lugar na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.

Ayon sa senador, naniniwala siya na ang tubig ang isa sa mga solusyon para mawala ang mga ash fall debris.

Aniya, ipinarating na niya ang kanyang suhestyon sa pangulo sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea at Senator Bong Go.

Dagdag pa ng Senador, nabigyan na rin ng impormasyon tungkol dito ang Philippine Air Force.

Samantala, inihayag naman ni Medialdea na ikokonsidera nito ang suhestyon ni Sotto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -