Wednesday, May 1, 2024

SONA ni PRRD magiging makabuluhan

- Advertisement -

Marami umanong dapat asahan ang publiko sa 4th na SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Hulyo 22

Iyan ang ipinahiwatig ni National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon Jr bagama’t tumanggi na muna siyang magbigay ng detalye hinggil dito

Gayunman, sinabi ni Esperon na tiwala siyang magiging kasiya-siya sa taumbayan ang mga i-uulat ng Pangulo dahil tiyak na magbibigay iyon ng pagasa at ibayong inspirasyon sa mga Pilipino

Bagama’t libu-libong pulis at sundalo ang ipinakalat ng mga puwersa ng PNP at AFP sa mga lugar kung saan may mga isasagawang pagkilos, tiniyak ni Esperon na wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad

Kaya naman malaya aniya ang sinuman mapa-pabor o kontra man sa pamahalaan na maghayag ng kanilang mga saloobin sa ngalan ng umiiral na demokrasya

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img