SONA 2019 ni Pangulong Duterte pinaghahandaan na

0
50

‘Tuloy ang pagbabago.’

Ito, ayon sa Presidential Communications Operations Office (PCOO), ang magiging tema sa darating na state of the nation address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni PCOO undersecretary Lorraine Badoy, pinaghahandaan na nila ang darating na sona ng pangulo kung saan ibibida nila ang mga nagawang proyekto ng kasalukuyang administrasyon.

Kabilang na aniya rito ang paliparan sa Clark Air Base na isa sa mga malaking naisakatuparan ng pangulo.

Dagdag pa ni Badoy, magkakaroon din ng mga video presentation sa SONA ng pangulo kung saan ipakikita ang mga tunay na nangyayari sa administrasyon.

with report from Aya Yupanco (Patrol 5)