35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

SolGen Calida tikom kaugnay sa pagbawi ng amnesty ni Trillanes

- Advertisement -

Tikom ang bibig ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida kaugnay sa umano’y papel niya para bawiin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang amnesty na ibinigay kay Senador Antonio Trillanes IV.

Binigyang diin ni Calida ang lawyer client privileged communication kaugnay sa naging partisipasyon niya sa usapin dahil abogado siya para sa bansa.

Una nang inihayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, officer in charge (OIC) habang nasa Israel ang pangulo na ang review sa amnesty ni Trillanes ay posibleng ginawa ng Office of the Solicitor General (OSG).

Ang tila gusot sa pagitan nina Trillanes at Calida ay nag ugat sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa umanoy conflict of interest na sangkot sa kontratang nakuha sa gobyerno ng security agency na pag-aari ng pamilya ni Calida.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -