Social distancing ipapatupad kontra COVID-19 — DILG

0
20

Hiniling ni DILG Secretary Eduardo Ano sa Civil Service Commission (CSC) at mga pribadong kumpanya na i-adjust ang kanilang work schedule para maka-obserba ng social distancing ang mga empleyado sa gitna na rin ng banta ng COVID-19.

Matapos ang pulong kasama ang mga Alkalde ng Metro Manila sinabi ni Ano na ipatutupad nila ang social distancing bilang hakbang upang hindi na lumaganap pa ang nasabing virus.

Ipinabatid ni Ano na ipagbabawal muna at iiwasan ang mga malalaking pagtitipon para matiyak na mako contain ang paglaganap ng COVID-19.

Una nang nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa employers na mag-adopt ng flexible work schedule kaugnay sa COVID-19 threat.