SM magpapatupad ng pagbabago sa oras sa kanilang operasyon

0
17

Magpapatupad ng pagbabago sa oras ng kanilang operasyon ang isa malaking kumpanya ng mga malls sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Sa abiso ng SM Supermalls, simula ngayong araw, Marso 13, magbubukas na ang kanilang mga malls simula 11:00 a.m. umaga at 9:00 p.m. ng gabi tuwing weekdays.

Habang mula 10:00 a.m. ng umaga hanggang 9:00 p.m. ng gabi na ang operasyon ng lahat ng kanila mga mall tuwing weekends.

Bahagi anila ito ng kanilang mga pagsisikap para maprotektahan ang publiko mula sa panganib ng COVID-19.