Sison ipinagkibit-balikat lang ang bantang ‘all-out war’ vs. komunista ni Duterte

0
14

Wala nang bago.

Ayon ito kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison matapos ipagkibit-balikat ang banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng all-out war laban sa mga rebeldeng komunista.

Sinabi ni Sison na palagi na lamang inihahayag ng pangulo ang all-out war noong 2016 at 2017 sa pagkukunwaring para sa peace negotiations subalit palagi namang bigo sa tunay na pangarap na wasakin ang revolutionary movement.

Binigyang diin pa ni Sison na ginagamit ng pangulo bilang scapegoat ang CPP at New People’s Army para diktahan ang taumbayan.